⁴ “Makinig kayo, O mga mamamayan ng Israel: Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang. ⁵ Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. ⁶ Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. ⁷ Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo. ⁸ Itali ninyo ito sa inyong mga braso o ilagay sa inyong mga noo bilang paalala sa inyo. ⁹ Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong bahay at sa bukana ng pintuan ng inyong mga lungsod.